Five Card Story: Sino ka ba?

stories: prev | random | next

a Five Card Flickr story by BSIT 101_de Guzman created Jul 24 2018, 03:03:36 am. Create a new one!


flickr photo credits: (1) bionicteaching (2) bionicteaching (3) dwtno (4) Serenae (5) bionicteaching


about this story

Noong unang panahon mayroong isang lalaki na hindi totoo sa kanyang sarili sa kadahilanang hindi niya gustong malaman ng mga kaibigan niya kung sino ba talaga siya. Ang mga kaibigan niya ay hindi gaanong mga religious na tao. Mahilig magcomputer, magbasketball at gumala pero mga masisipag naman pagdating sa gawain sa paaralan kaya ito ang dahilan kung bakit siya nabilang sa grupong ito. Magaling sila makisama sa mga taong nasa paligid nila at napapakita nila sa iba kung sino ba talaga sila. Ito yung bagay na hindi ko ma i-aplly ko sa sarili niya. Hiya at takot ang bumabalot sa kanyang isipan dahil siya ay isang transferee pero sa maiksing panahon pa lamang ay tinuring na siyang kapatid ng kanyang mga kaklase. Natututonan lang niyang ipakita kung sino talaga siya noong araw na mayroong dumating malaking problema sa kanyang buhay. Isang normal na araw lamang at habang siya ay dumadaan sa mga kalsada na papunta sa kanilang bahay ay parang nagiba yung ihip ng hangin. Iba yung mga tingin ng tao sa kanilang kalsada habang pauwi. Ang mga madalas bumati sa kanya sa tuwing papasok sa eskwelahan at pauwi ng bahay ay tila parang mayroong mukhang di maipaliwanag. Pagkauwi niya ng bahay wala pang tao na normal lang naman sa araw araw na paguwi niya. Binuksan niya ang wifi, Himiga sa kama at nagcellphone. Nawindang siya nangbiglang nagmensahe sa kanya ang kanyang nanay ngunit hindi ito normal na mensahe sa isang normal na araw. “Anak nasa Hospital ang kapatid mo nirerevived kailangan mo ng pumunta dito.” Agad agad siyang pumunta sa hospital at parang siya ay pinagsakluban ng langit at lupa. Sa mga oras na yun niyakap niya ng mahigpit ang kanyang mga magulang na tila ba wala nang bukas.

Makalipas ang mga ilang na araw pagkatapos ng isang malaking problema ay pumasok na muli siya sa paaralan. Siya ay nagulat dahil agad agad siyang niyakap ng kanyang mga kaibigan na akala niya na walang alam sa nangyari. Pumalagay ang kanyang kalooban at nasabi niya sa kanyang sarili na “di ko naman pala kailangan itago kung sino ako dahil itong mga taong nasaharap ko ay mga tunay na kaibigan.” At simula nung araw na yun ay mas naenjoy na niya ang pagsasama nilang magkakaibigan.

share this story

permalink to story: http://5card.cogdogblog.com/show.php?id=42515

Copy/Paste Story

Click once to select, then copy and paste HTML to your own blog/website.

create a different story from these same cards

Do you have another interpretation of the story behind these pictures? Add it to the collection as a new story!


flickr photo credits: (1) bionicteaching (2) bionicteaching (3) dwtno (4) Serenae (5) bionicteaching

For security purposes, please enter the correct words matching the images (blame the spammers):

stories: prev | random | next