Five Card Story: My Resiliency Journey

stories: prev | random | next

a Five Card Flickr story by SBU SHS Adelainne created Sep 14 2021, 06:30:35 am. Create a new one!


flickr photo credits: (1) Serenae (2) bionicteaching (3) bionicteaching (4) bionicteaching (5) Choconancy1


about this story

Sabi nila ang ilaw ang magbibigay gabay saiyo, ngunit ang aking unang naisip ay kung walang ilaw hindi matatagpuan ang kadiliman. Ngunit gayon din, ito ang nagsisilbing daan para sa lahat na nasa kadiliman. May mga araw na naisipan kong tumakbo palayo sa mga problema o kaya naman ay ihinto ang problema ng aking buhay. Papaakyat sa hagdanan kung saan ako ay dinadala pataas ng pataas saaking mga problema, kung minsan may makikita kang mga bintana para makatakas o makalabas at matigil ang mga mga problema. Kadiliman ay dumadapo saakin, naguguluhan sa iba't ibang bagay. Kung ako may ay tumakas, ano ang mangayayari? Kung aking ititigil, ano ang magpapatuloy? Sa gitna ng lahat, ako ay bumalik sa ilaw na nagbibigay liwanag saaking kadiliman. Napahinto sa lahat ng aking mga hakbang. At nang sumunod, aking dinamdam ang lahat ng aking pinagdaanan sa ilalim ng ilaw. Kung saan ako nagsimula doon din ang aking balik. Ang ilaw na ito ay ang kamay ng tumulong saakin, na makaalis sa kadiliman. At nang sa wakas ay nawala rin ang kamay. Dito ko naintindihan na hindi sa lahat ng oras ay may tutulong saiyo, kundi ang iyong sarili. Kailangan mong masanay, at ipagpatuloy ang mga bagay. Dahil sa dulo, ang lahat ay magiging masaya.

share this story

permalink to story: http://5card.cogdogblog.com/show.php?id=49300

Copy/Paste Story

Click once to select, then copy and paste HTML to your own blog/website.

create a different story from these same cards

Do you have another interpretation of the story behind these pictures? Add it to the collection as a new story!


flickr photo credits: (1) Serenae (2) bionicteaching (3) bionicteaching (4) bionicteaching (5) Choconancy1

For security purposes, please enter the correct words matching the images (blame the spammers):

stories: prev | random | next